Miyerkules, Oktubre 12, 2011

Filipino 313 project

Fil 313
Sanaysay:
CICT  WEEK


Sa unang araw ng pagbububkas ng CICT days Agosto 24 ay nagpunta ako sa paaralan sa ganap na ika-3 ng hapon upang makiisa sa gaganaping parada pagdating ko doon ay agad kong hinanap ang aking mga kasamahan o kagrupo sa palarong gaganapin, kami ay nagtipon at dumalo sa parada. Matapos ang parada ay nanuod na lamanag ako ng gananap na cosplay event sa activity center hinitay ko itong matapos hanggang sa maiproklama ang panalo, At sa kinagabihan din nang araw na ayon ay pinanood ko ang isang palaro sa pagitan ng mga miyembro ng faculty ng CICT at Engineering. Kinabukasan, Agosto 25 taong kasalukuyan nagputa ako sa paaralan sa ganap na ika walo ng umaga at  nanuod sa mga ginanap na palaro at sa ganap na ika-12 ng tanghali ay ang aming unang laban sa basketbol at iyon na din ang aming unang pagkatalo. Matapos ang laro ay nagpahinga na lang ako at naghintay para sa susunod na laban.Ika-4 ng hapon ang aming ikalawang laban, natapos ang laro at nakamit namin ang ikalawang pagkatalo at tuluyan nang pagkatanggal sa palaro. J
Agosto 26 araw ng biyernes maaga akong nagtungo sa paaralan upang makibalita at manuod sa iba’t-ibang palaro na itinakda ng CICT .Natapos ang isang buong araw ko sa paaralan na walang ibang ginawa kung hindi ang manuod lamang sa iba’t ibang palarong ginanap. Agosto 27, araw ng sabado ang itinakdang araw ng pagtatapos ng CICT Days , pinili ko na lang magpahinga sa bahay at hindi na makiisa sa pagtatapos at pagsasarado ng CICT days .




















Fil 313
Ang Aking Talambuhay

Ang Aking Talambuhay


Ako si Benigno V. Mampusti Jr. mas kilala sa tawag na jhay sa aming lugar, nakatira sa San Pedro Hagonoy , Bulacan. Sa aking pagkabata ako’y isang tahimik lamang at walang ibang libangan sa bahay kung hindi ang maglaro at gumuhit nang kung anu-ano. Sa edad na lima ay nagsimula na akong pumasok sa paaralan sa antas na kinder at sa pagkakataon na iyon ay nagging hilig ko na ang pag aaral naging panlaban ako ng aming paaralan sa larangan nang pagtula, hindi ko man nakamit ang mataas na karangalan sa pagtula ay nakamit ko naman ang pinakamataas na karangalan sa pagtatapos ng taon sa kinder, Itinuloy ko na ang pag- aaral ko at pumasok ako sa elementarya, hanggang sa mga panahong iyon ay hindi pa din nababgo ang pagkahilig ko sa pag aaral at hanggang sa ikatlong baitang ay nakakakuha ako ng karangalan sa tuwing magtatapos ang taon. Nang magsimula na ang pagpasok ko sa ika–apat na baitang ay natututan ko na ang makipagkaibigan at ito ang pagsisimula nang pagbaba ng aking mga marka  Hanggang sa matapos ang pag eelementarya ko ay nanatili ang samahan nang aming pagkakaibigan. Sabay-sabay din kaming nakatungtong sa mataas na paaralan, sama sama sa paggawa ng kalokohan at ang dating matinong ako ay naging pasimuno sa mga kalokohan. At sa aking ikatlong taon sa mataas na paaralan ay napuna kong ang aking mga kaibigan ay unti-unti nang nababawasan halos karamihan ay naghinto na sa pag-aaral at ang ilan naman ay napag iwanan.Tinapos ko na lamang ang taon na iyon at napagdesisyunan ko nang itigil ang aking pag aaral at makalipas ang isang taon na pagiging tambay ako ay nagbalik eskwela at sapilitan kong tinapos  ang aking pag-aaral. Taong 2006 sinubukan ko ang buhay sa kolehiyo, nag aral ako sa isang kolehiyo sa bulakan sa dalawang taon na kurso natapos ko ang dalawang taon ko sa paaralan na iyon dahil karamihan sa estudyante at ilang guro ay kasing tamad ko.Matapos ang pag aaral ko sinubukan ko maghanap ng trabaho subalit doon ko pa lang napag alaman na hindi pala ganon kadali ang paghahanap nito lalo na’t hindi kilala ang paaralan na pinagtapusan at kulang ang aking nalalaman.Natapos ang limang buwan subalit hindi ako nakapasok sa kahit anong trabaho at pinili ko lang ang alok na pagbabakasyon sa isang kamag anak sa malayong probinsya na kung saan ay halos karamihan sa aking kamag anak ay mababa ang antas na tinapos sa pag aaral. Doon ko lang naranasan ang hirap ng walang permanenteng trabaho, hindi kumain ng wasto at umaasa lamang sa tulong ng iba. Nang makabalik ako sa Bulakan ay hindi na ako nagdalawang isip nang ako’y muling alukin na mag aral muli. Nag enroll ako sa isang kilalang unibersidad sa Bulakan at  kumuha ako ng kursong naaangkop sa hilig ko,pinagsikapan kong maipasa ang mga marka ko at sa ngayon ay nasa ikatlong taon na ako sa kursong ito.




Fil 313
Alamat



ALAMAT NG QWERTY KEYBOARD

Noong 1873  ay unang ginamit ang makinilya kung saan ibinase ang sa ngayon ay ginagamit natin at titawag na keyboard ng computer. Ang sinaunang keyboard ay may pindutan na naayon sa pagkasunod-sunod nang mga letra sa alpeto. Subalit ang mga eksperto ay nahihirapan sa paggamit nito, dahil sa problemang ito ay nagsagawa sila nang ilang pag aaral kung paano mapapadali ang paggamit nito binago nila ang pagkakaayos ng mga letra at ang pwesto ng bawat pindutan,ginawa nila itong palihis.gamit ang luma at ang makabagong disenyo ay nagsagawa sila ng pag aaral sa ilang tao kung saan mapapabilis ang paggamit ng keyboard at  ito ay nagbunga ng tagumpay mas mataas ang naging bilang ng pagbabago sa mga gumamit ng makabagong disenyo kumpara sa mga gumamit ng lumang disenyo at dahil doon ay mas dumami na ang gumagamit ng qwerty keyboard. Ang salitang qwerty ay hango sa mga letra sa una at itaas na letra sa pindutan sa keyboard.












Fil 313
Tula:



KAPALIGIRAN



Sa bawat araw na lumilipas, sa isip ko’y hindi kumukupas
Mga lugar na kay ganda, natakpan na nang basura.
Luntiang kapaligiran, hindi mo na mapagmasdan
Dahil sa mga taong walang pakundangan, na sumisira sa  ating kapaligiran.

O kapaligiran kong dati ay kay ganda, ako kaya ay magagawa pa.
Para ikaw ay buhayin at ipamana sa susonod sa akin,
Upang kanilang maranasan ang pagl;angoy sa kailugan
At paglalaro sa Luntiang kabukiran.

Sana’y magkaisa tayo, muling buhayin ang mundo,
Gawin ang nararapat, iwasan ang pagkakalat
Linisin ang kapaligiran At magtanim ng mga halaman,\
Si inang kalikasan ay ating alagaan, upang masilayan gandang inaasam.

Kapaligiran an gating depensa, Sa oras ng sakuna
Ngunit kapag siya ay wala na, kanino pa tayo aasa?
Sino pa ang tutulong sa atin sa gitna ng dilim
Sino ang iyong masasandalan sa oras ng pangangailangan
Kung kapaligirang inaasam ay kathang isip na lamang.